Kwentong Pakikipagsapalaran:
PANGARAP
AT TAGUMPAY
ni Emmar C. Flojo
ni Emmar C. Flojo
Kahirapan ang nagbibigay pasakit
kay Mabel na dati-rati’y wala silang inaalalang suliranin. Maayos sana ang
buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad masususnod. Subalit
dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman ang kanyang ama na
ngayo’y paralitiko dahil sa ‘di agad naagapan karamdaman. Isa pa roon ay pagkasara ng pinapasukan ng
kanyang inay. Wala silang magawa ng kanyang kapatid kundi ang tumigil na lamang
sa kanilang pag-aaral. Bitbit sana na niya ang diplomang dapat sanay mukukuha
na niya ng kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga masasayang araw na gusto
niyang maging abugasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay napunta sa
paghihintay. Panganay siya sa dalawa niyang kapatid na mula ng magkasakit ang
kanyang tatay ay siya na ang kumakalinga rito dahil wala ng panahon ang kanyang
nanay sa pag-aasikaso rito. Simula noon ay tumutulong pa siya sa pagtitinda
ngkakanin sa lansangan. “Inay makakapagtapos pa kaya ako?” tanong niya sa
kanyang inay. “Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin
ang Diyos basta’t maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may
kaakibat na kaginhawaan kung itoy iyong malalagpasan,” tugon ng kanyang Inay sa
kanya. “Ano na lang kaya kung mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman
makatulong ako sa gastusin dito sa bahay at sa pambili ng gamot ni
Itay.”“Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat ng buto, hayaan mo na lamang
ako magpuno ng pangangailangan natin.”
Isang araw, “Inay… Inay si
itay!” Pabulyaw at humahagulgol na sabi. Hikbi ni Mabel habang nakaratay ang
kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang pinakamabigat na nangyari sa
buhay ng kanyang Pamilya—ang mawalan ng Padre de Pamelia sa kanilang bahay.
Tulala at wari malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipag-iyakan ang kanyang
dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang Pamilya Dela Cruz, pagkatapos ng
pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang pamumuhay. Kung
dati-rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan ay namasukan siya bilang
kasambahay. Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang kapatid.
Simula noon ay nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang
makipamuhay sa mura niyang gulang at doon niya naranasan ang hirap ng kanyang
napasukan. Minsan na rin siyang inalok upang sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit
inisip niya ang nararapat na hindi niya gagawin ang bagay na iyon.
Ang pagkakataong makapag-aral ay
minsan na rin sumagi sa kanyang isipan na sa kanyang pagtatrabaho’y inalok ng
kanyang amo.
“Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong
pag-aaral?” tanong nito sa dalaga. Biglang napatingin si Mabel sa kanyang amo
subalit ang bagay na iyon ay parang napaka-imposible sa katayuan niya. Iniisip
niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. “Hija gusto mo pa
bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” ulit nitong sambit. Ngunit sa pagkakataong
yaon, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong uli’y makapag-aral siya.
Tumangon na lamang siya “Oho…!” tugon niya dito. “Simula bukas pupunta ako sa
eskuwelahang papasukan mo, gabe ka na lang pumasok para naman ‘di maantala ang
pagtatrabaho mo,” usisa ng kanyang amo. “Maraming Salamat po.”
Sa kanyang kinikita sa kanyang
sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos niya sa pagpapaaral sa kanyang mga
kapatid.
Isang gabi tinanong niya ang amo
niya kung bakit ganito na lamang ang ipinapakita sa kanya nito. At doon na niya
nalaman na may anak na pala ang kanyang amo. Na dapat sanay katulad nang gulang
niya pero sadyang binawian ito ng buhay sa murang edad dahil sa aksidenting
yaon. Nakikita ni Don Pedro sa kanya ang buhay ng namayapang anak kaya maganda
ang pakikitungo nito kay Mabel. Tinuturing ni Don Pedro si Mabel na parang
tunay niyang anak.. “Eh Sir asan po si Maam?”tanong niya rito. “Simula nong namatay ang aming anak, sinisisi
niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man lang paalam.” “Diko nga
mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama nga ang maam mo na dapat ako
managot sa lahat.”
Pagkatapos ng usapang iyon doon
niya nalaman ang lahat ng mga bagay na waring itinatanong sa kanyang sarili na
kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng kanyang amo. Ganun pa man, kahit
mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa pa rin siyang mapagtapos niya
ang kanyang mgakapatid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo.
Lumipas nga ang mga panahonng natakda
niyang kapalaran ay natupad niya ang mga bagay na matagal na niyang pangarap sa
buhay. Sa pagkakataong iyon ay inaalay
niya ang deploma’t medalyong nataggap sa kanyang minamahal—sa kanyang inay at
mga kapatid at sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa pagsubok
na dumating sa kanilang pamilya ay nakamit niya ang matagal na niyang
inaasam-asam. Ang makapagtapos sa pag-aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga
bagay na di niya inaasahan. Ang
pagkamatay ng kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang
kanyang pamilya.
nice story
TumugonBurahinvery nice story
TumugonBurahinPahiram po ng story mo :) for project lang po. Salamat :)
TumugonBurahinpahiram rin po ng story, for project lang rin po.. salamat.. lalagyan ko lang po ng pangalan mo sa project ko :)
TumugonBurahinPahiram rin ng story mo para sa output ko ty po
TumugonBurahinPahiram po ng kwento nyo para sa aking project. Thank you po.
TumugonBurahinAko sanay magpapaalam na hiramin ang storya mong ito para sa aking proyekto sa pagsulat sa filipino kung maaari :)
TumugonBurahinPahingi ng buod mo project lang po
TumugonBurahinPahiram po ng istorya para po sa aking proyekto salamat po
TumugonBurahinpahiram po ng storya sa outpot nmin salamat
TumugonBurahinSna ol may jowa
TumugonBurahinpahiram naman po ng story slamtt kasi magkakaroon kmi ng book report
TumugonBurahinPwede po pahiram ng kwento para lang po sa takdang aralin namin
TumugonBurahinpwede po pahiram ng kwento. thank you!
TumugonBurahinPwede pa bang mahirap ang kwento Salamat
TumugonBurahinPAHIRAM PO NUNG KWENTO SA PROJECT LNG PO.. SALAMAT..
TumugonBurahinPahiram po ng kwento niyo para po sa project namin Salamat po
TumugonBurahinPahiram ng kwento niyo po para sa project namin, maraming salamat po
TumugonBurahinPahiram ng kwento niyo po para sa project namin, maraming salamat po
TumugonBurahinPahiram ng kwento niyo po para sa project namin, maraming salamat po
TumugonBurahinpwede po bang hiramin ang inyong kwento para lamang sa aming performance task:)<33
TumugonBurahinPahiram po Ng kwento monpara sa proyekto ko. Salamat po
TumugonBurahinPahiram po Ng istorya Para Po SA aking takdang aralin Maraming Salamat Po
TumugonBurahin