Miyerkules, Agosto 8, 2012


Kwentong Pakikipagsapalaran:

                                       
PANGARAP AT TAGUMPAY
ni Emmar C. Flojo


              Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Mabel na dati-rati’y wala silang inaalalang suliranin. Maayos sana ang buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad masususnod. Subalit dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman ang kanyang ama na ngayo’y paralitiko dahil sa ‘di agad naagapan karamdaman.  Isa pa roon ay pagkasara ng pinapasukan ng kanyang inay. Wala silang magawa ng kanyang kapatid kundi ang tumigil na lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit sana na niya ang diplomang dapat sanay mukukuha na niya ng kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga masasayang araw na gusto niyang maging abugasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay napunta sa paghihintay. Panganay siya sa dalawa niyang kapatid na mula ng magkasakit ang kanyang tatay ay siya na ang kumakalinga rito dahil wala ng panahon ang kanyang nanay sa pag-aasikaso rito. Simula noon ay tumutulong pa siya sa pagtitinda ngkakanin sa lansangan. “Inay makakapagtapos pa kaya ako?” tanong niya sa kanyang inay. “Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos basta’t maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung itoy iyong malalagpasan,” tugon ng kanyang Inay sa kanya. “Ano na lang kaya kung mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin dito sa bahay at sa pambili ng gamot ni Itay.”“Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat ng buto, hayaan mo na lamang ako magpuno ng pangangailangan natin.”

                Isang araw, “Inay… Inay si itay!” Pabulyaw at humahagulgol na sabi. Hikbi ni Mabel habang nakaratay ang kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang pinakamabigat na nangyari sa buhay ng kanyang Pamilya—ang mawalan ng Padre de Pamelia sa kanilang bahay. Tulala at wari malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipag-iyakan ang kanyang dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang Pamilya Dela Cruz, pagkatapos ng pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang pamumuhay. Kung dati-rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan ay namasukan siya bilang kasambahay. Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang kapatid. Simula noon ay nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang makipamuhay sa mura niyang gulang at doon niya naranasan ang hirap ng kanyang napasukan. Minsan na rin siyang inalok upang sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit inisip niya ang nararapat na hindi niya gagawin ang bagay na iyon.

               Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan na sa kanyang pagtatrabaho’y inalok ng kanyang amo.
“Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” tanong nito sa dalaga. Biglang napatingin si Mabel sa kanyang amo subalit ang bagay na iyon ay parang napaka-imposible sa katayuan niya. Iniisip niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. “Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” ulit nitong sambit. Ngunit sa pagkakataong yaon, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong uli’y makapag-aral siya. Tumangon na lamang siya “Oho…!” tugon niya dito. “Simula bukas pupunta ako sa eskuwelahang papasukan mo, gabe ka na lang pumasok para naman ‘di maantala ang pagtatrabaho mo,” usisa ng kanyang amo. “Maraming Salamat po.”

              Sa kanyang kinikita sa kanyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos niya sa pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.

               Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito na lamang ang ipinapakita sa kanya nito. At doon na niya nalaman na may anak na pala ang kanyang amo. Na dapat sanay katulad nang gulang niya pero sadyang binawian ito ng buhay sa murang edad dahil sa aksidenting yaon. Nakikita ni Don Pedro sa kanya ang buhay ng namayapang anak kaya maganda ang pakikitungo nito kay Mabel. Tinuturing ni Don Pedro si Mabel na parang tunay niyang anak.. “Eh Sir asan po si Maam?”tanong niya rito.  “Simula nong namatay ang aming anak, sinisisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man lang paalam.” “Diko nga mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama nga ang maam mo na dapat ako managot sa lahat.”

               Pagkatapos ng usapang iyon doon niya nalaman ang lahat ng mga bagay na waring itinatanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng kanyang amo. Ganun pa man, kahit mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa pa rin siyang mapagtapos niya ang kanyang mgakapatid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo.

               Lumipas nga ang mga panahonng natakda niyang kapalaran ay natupad niya ang mga bagay na matagal na niyang pangarap sa buhay.  Sa pagkakataong iyon ay inaalay niya ang deploma’t medalyong nataggap sa kanyang minamahal—sa kanyang inay at mga kapatid at sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang pamilya ay nakamit niya ang matagal na niyang inaasam-asam. Ang makapagtapos sa pag-aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na di niya  inaasahan. Ang pagkamatay ng kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang kanyang pamilya.

1 komento: