Miyerkules, Agosto 8, 2012

Sanaysay


Sanaysay:
MANIBELA
ni Emmar C. Flojo
Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEht9YjkN3YuUmBQIPkpalP_cVy7S6zNVUH0bPeQKy90PKykMBabixXqADPovk1wc0Cu161FymyspnOiOUn1wFYHvIa-l0W8ZUGKkdQts5S-gCH5VvEpx89f6PMngzLUDS1Fmf5yEhOGz4k/s400/manibela.jpg

            Lahat tayo ay may patutunguhan kung anuman ang ating adhikain sa buhay. Mapasama man ito o mapabuti ang ating kinanalagyan ay dulot ito ng ating pakikipagsapalaran sa buhay. Ang mahalaga sa ating paglalakbay ay may patutunguhan tayo. Natututo tayo sa pakikipagsapalaran at natututo tayo sa ating mga pagkakamali. Ayaw naman natin sa mga pagkakamaling iyon ay ating nauulit dahil na rin sa ating pagpupursige na malagpasan kung anuman ang ating balakin sa ating buhay. Hindi natin alam at ‘di tayo sigurado sa mga bagay na ating pinag-aalinlangan. Marahil nakadarama tayo ng kawalang kasiguraduhan sa ating mga ginagawa dahil hindi natin pinagbubuti ang ating mga ginagawa.

            Tayo ang gumagawa ng sarili nating patutunguhan, natututo tayo na mag-isa at humakbang para sa sarili nating kapakanan. Walang Gawain at bagay na sadyang itinakda para sa atin. Kailangan nating kumilos para magkaroon ng katuparan ang ating mga pangarap at kapalaran. Sino bang tao ang nakakaalam ng kanyang kapalaran? Wala…! Walang nakakaalam ng mga pangyayari sa darating na bukas.  Kung gusto nating makadama ng kaginhawaan hindi tayo aasa sa gawain ng iba bagkus ating paghirapan ang mga bagay na gusto nating makamtam. Hindi lalapit sa atin ang mga bagay na ating gugustuhin, sadya itong pinagpapawisan para makadama tayo ng kaginhawaan. Basta’t lagi nating iisipin na walang bagay na sadyang inilaan sa atin ng Panginoon.

            Ang bawat bagay dito sa mundo ay hindi makukuha kung hindi mo pinaghihirapan. Katulad na lamang ng kasaganaan sa buhay. Hindi natin makakamtan kung hindi tayo kikilos. Nagtatrabaho nga tayo kung ang lahat ng ating pinaghihirapan ay nalulustay lagi sa sugal at bisyo na kung anuman ay wala ring magyayari. Isipin na lang natin ang ating mga mahal sa buhay, sa halip na pambili na lamang ng pagkain ng pamilya’y ginagastos sa wala namang kwentang bagay. Ang buhay nga ay parang sugal kailangan mong makipagbuno sa hamon ng kapalaran bago ka makalalasap ng buhay na kaginhawaan. Masinop at masipag lamang ang nagkakamit ng tagumpay dahil ang adhikain nila’y tunay na pinaninindigan sa buhay. Kaya ang lahat ng bagay ay sadyang nakadepende kung anong aksyon ang ating gagawin. Ang kailangan lang ay maniwala tayo sa ating sarili na kaya natin ang mga bagay na sadyang nagpapahirap sa atin. Kaya natin ito kaibigan!
MANIBELA
Sanaysay ni Emmar C. Flojo

Pagsusuri:

*      Pagsusuri ayon sa Bayograpikal na Basa :
Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro ukol sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan. Makikita na ang pagkakabuo ng akdang ito ay tungkol sa nakikita ng akda sa lipunan.

Ito ay naglalaman ng mga pangyayari na nararanasan ng bawat indibidwal kung ang mga pahayag sa akda ay inisa-isa para mabalikan ang nakaraan sa kaniyang buhay.

*      Teoryang Naturalismo:
Masasabi natin na ang paglalarawan na ginamit ng may akda ay pawing katutuhanan lamang sapagkat itoy naglalahad ng mga isyung dapat malaman ng isang indibidwal. Karaniwan lamang ang pagsasalaysay sa akdang ito, mayroon anyo ng salita na pinasidhi para mabigyan diin ang pagpapalinaw ng mga impormasyon.

*      Teoryang Dekonstruksiyon:
Kung makikita natin ang akdang ito ay naglalarawan ng pinaghalu-halong pananaw kung saan pinagsama-sama upang mas higit na maging siksik sa pagsasalaysay ng mga pangyayari. Isinaalang-alang din ang mga aspeto ng buhay tungkol sa pangyayari sa mundong ibabaw ng akdang ito.




Kwentong Pakikipagsapalaran:

                                       
PANGARAP AT TAGUMPAY
ni Emmar C. Flojo


              Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Mabel na dati-rati’y wala silang inaalalang suliranin. Maayos sana ang buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad masususnod. Subalit dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman ang kanyang ama na ngayo’y paralitiko dahil sa ‘di agad naagapan karamdaman.  Isa pa roon ay pagkasara ng pinapasukan ng kanyang inay. Wala silang magawa ng kanyang kapatid kundi ang tumigil na lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit sana na niya ang diplomang dapat sanay mukukuha na niya ng kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga masasayang araw na gusto niyang maging abugasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay napunta sa paghihintay. Panganay siya sa dalawa niyang kapatid na mula ng magkasakit ang kanyang tatay ay siya na ang kumakalinga rito dahil wala ng panahon ang kanyang nanay sa pag-aasikaso rito. Simula noon ay tumutulong pa siya sa pagtitinda ngkakanin sa lansangan. “Inay makakapagtapos pa kaya ako?” tanong niya sa kanyang inay. “Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos basta’t maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung itoy iyong malalagpasan,” tugon ng kanyang Inay sa kanya. “Ano na lang kaya kung mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin dito sa bahay at sa pambili ng gamot ni Itay.”“Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat ng buto, hayaan mo na lamang ako magpuno ng pangangailangan natin.”

                Isang araw, “Inay… Inay si itay!” Pabulyaw at humahagulgol na sabi. Hikbi ni Mabel habang nakaratay ang kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang pinakamabigat na nangyari sa buhay ng kanyang Pamilya—ang mawalan ng Padre de Pamelia sa kanilang bahay. Tulala at wari malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipag-iyakan ang kanyang dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang Pamilya Dela Cruz, pagkatapos ng pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang pamumuhay. Kung dati-rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan ay namasukan siya bilang kasambahay. Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang kapatid. Simula noon ay nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang makipamuhay sa mura niyang gulang at doon niya naranasan ang hirap ng kanyang napasukan. Minsan na rin siyang inalok upang sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit inisip niya ang nararapat na hindi niya gagawin ang bagay na iyon.

               Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan na sa kanyang pagtatrabaho’y inalok ng kanyang amo.
“Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” tanong nito sa dalaga. Biglang napatingin si Mabel sa kanyang amo subalit ang bagay na iyon ay parang napaka-imposible sa katayuan niya. Iniisip niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. “Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” ulit nitong sambit. Ngunit sa pagkakataong yaon, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong uli’y makapag-aral siya. Tumangon na lamang siya “Oho…!” tugon niya dito. “Simula bukas pupunta ako sa eskuwelahang papasukan mo, gabe ka na lang pumasok para naman ‘di maantala ang pagtatrabaho mo,” usisa ng kanyang amo. “Maraming Salamat po.”

              Sa kanyang kinikita sa kanyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos niya sa pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.

               Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito na lamang ang ipinapakita sa kanya nito. At doon na niya nalaman na may anak na pala ang kanyang amo. Na dapat sanay katulad nang gulang niya pero sadyang binawian ito ng buhay sa murang edad dahil sa aksidenting yaon. Nakikita ni Don Pedro sa kanya ang buhay ng namayapang anak kaya maganda ang pakikitungo nito kay Mabel. Tinuturing ni Don Pedro si Mabel na parang tunay niyang anak.. “Eh Sir asan po si Maam?”tanong niya rito.  “Simula nong namatay ang aming anak, sinisisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man lang paalam.” “Diko nga mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama nga ang maam mo na dapat ako managot sa lahat.”

               Pagkatapos ng usapang iyon doon niya nalaman ang lahat ng mga bagay na waring itinatanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng kanyang amo. Ganun pa man, kahit mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa pa rin siyang mapagtapos niya ang kanyang mgakapatid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo.

               Lumipas nga ang mga panahonng natakda niyang kapalaran ay natupad niya ang mga bagay na matagal na niyang pangarap sa buhay.  Sa pagkakataong iyon ay inaalay niya ang deploma’t medalyong nataggap sa kanyang minamahal—sa kanyang inay at mga kapatid at sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang pamilya ay nakamit niya ang matagal na niyang inaasam-asam. Ang makapagtapos sa pag-aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na di niya  inaasahan. Ang pagkamatay ng kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang kanyang pamilya.

Kwento ng Tauhan:

KABULUHAN NG BUHAY
ni Emmar C. Flojo


Description: http://www.varsitarian.net/files/images/8010/diploma.jpg               Labis ang pagsisisi ni Jose habang kumakain sa hapag ng agahan. “Bakit! Bakit pa ba ako isinilang—kung ganito lamang ako sanay namatay na lang ako,” sambit nito sa kanyang sarili habang pilit na isinusubo ang kaning may ilang butil ng asin sa kanyang plato. Mariing pinagmamasdan ng kanyang inay na kararating pa lang upang kunin ang paglalabhan sa kabilang bahay.

             “Ano ba naman ‘yan Jose, ang kanin matatapon! Umayos ka, nagpapakahirap na nga ako sa paglalabada’y pinaglalaruan mo lamang ang kaning ‘yan. Tandaan mo anak, ang bawat grasyang nakahain diyan sa hapag ay galing sa aking pawis. Sanay maawa ka naman,” pagpapaliwanag ng kanyang magulang.

               Magkailang linggo na ring naririnig ang pangaral ng kanyang inay simula nang namatay ang asawa nito. “Ano ba naman ‘yan inay, sawa na ako sa buhay na ito. Sanay namatay na lamang ako ng pinanganak mo ‘ko, Boyset na buhay to oh!”

                 “At ganun...! Pagkatapos kitang palakihin ganito pa ang isusumbat mo sa akin, wala ka talagang kwentang anak.”

                  “Mas mabuti pa ang aking mga kaibigan naiintindihan ako, eh ikaw nay, neh wala ka ngang oras para sa akin. Basta lang mapakain mo lang ang iyong anak ay tama na yon sayo ‘yon.” Tumayo si Jose at kinuha nito ang bag sabay nilisan nito ang bahay papuntang eskwelahan.

                   Labing-anim na taon na si Jose, nag-iisang anak ni Aling Lumen sa asawa nitong kamamatay pa lamang kamakailan lamang. Mag-isa na lang kumakayod siya kaya’t sa pagpapaaral nito sa kaisa-isa niyang anak sa kolehiyo ay masyadong napakahirap. Wala siyang maaasahan kundi ang sarili nyang pagpupunyagi sa buhay.

                   Sa bukanan pa lamang ng eskuwelahan ay nakasalubong ni Jose sina Brando at mga kaibigan nito. “Hali kana pare, sumama ka na sa amin” wika ni Brando. Walang pag-aalinlangan tumugon siya sa paanyaya nito dahil sa nangyaring pagtatalo nito sa kanyang inay. Gusto niyang makalasap ng ibang ihip ng hangin na magdadala sa kanya ng pagkalimot sa nangyari sa kanilang mag-ina. “Teka, Saan ba tayo tutungo?” ika niya. “Basta sumunod ka na lang sa amin!” tugon ni Brando.
                   
                 Isang madilim at lumang establisyemento ang pinuntahan nila, nakita ni Jose ang mga nagsisipaghintay na mga lalaking nagsisipagkwentuhan. Madilim ito at malayo sa mga tao, sulung-sulo walang makaririnig sayo kundi ang mga taong naroroon lamang.

              “Brod! Nandito na pala ang ating hinihintay” wika ng isang kasamahan ni Brando. “Tamang-tama ‘yan, mabibinat na naman ang bisig ko” sambit ng isa pa. Nagulat na lamang siyang binigyang galang ng isa nilang kasamahan ang taong naroroon.
“Master Magandang Umaga po” sabay yuko ng ulo nito.
“Oh bakit ‘di ka nagbibigay-galang Jose kina Master”
“Sino bang Master ang sinasabi mo?’’aniya.
“Bakit, sino ba sila? Hindi naman sila mga magulang ko para bigyan ko ng galang.”
“Ah ganun ba! Ganun…”sabay suntok sa kanyang katawan.Napadapa ng tuwiran si Jose sa pagkakasuntok ng lalaking yaon. “Sige pahubarin na ninyo ang mga iyan.”Agad itong sinunod ng kasamahan ni Brando. Hinubad nito ang short at ang tira’y kanilang panloob na pananamit.
“Pahubarin na rin ang isang ‘yan Brod!” “Oh bakit ganyan ang isang ‘yan, ‘di pa nga nagsisimula nahimatay na agad, pambihira! Tawanan ang mga kasamahan nito.
“Sige pahubarin na ‘yan.” Piniringan ang mga mata ni Jose at saglit pa’y naramdaman na niya ang pagdampi ng matigas na bagay sa kanyang katawan. Paulit-ulit niya itong naramdaman hanggang humantong ito sa kanyang paghihina. Narinig niya ang mga kasamahan ni Brando nanagkikisay sa sakit na dulot ng paghagupit ng bagay na iyon.

               Doon siya natutuhan sa pagkakataong iyon, ang mga agam-agam at hinanakit niya sa buhay. “Masarap pa ring mabuhay kahit minsay naghihirap ka.” Iyan marahil ang pumasok sa kanyang isipan buhat ng maranasan niya ang sakit na idinulot ng pagsuway niya sa kanyang magulang. Naisip din niya ang mga bagay na mula noon na doon na naunawaan ang tunay na kabuluhan ng buhay. Ang paulit-ulit na panambitan ng kanyang isipan sa pagkakatayo na tinatahak niya ang daan tungo sa kamatayan.