Miyerkules, Agosto 8, 2012

Sanaysay


Sanaysay:
MANIBELA
ni Emmar C. Flojo
Description: http://3.bp.blogspot.com/_pYTMga3RYZk/SfLIJQbF4zI/AAAAAAAAAFI/RBD23UyoXrs/s400/manibela.jpg

            Lahat tayo ay may patutunguhan kung anuman ang ating adhikain sa buhay. Mapasama man ito o mapabuti ang ating kinanalagyan ay dulot ito ng ating pakikipagsapalaran sa buhay. Ang mahalaga sa ating paglalakbay ay may patutunguhan tayo. Natututo tayo sa pakikipagsapalaran at natututo tayo sa ating mga pagkakamali. Ayaw naman natin sa mga pagkakamaling iyon ay ating nauulit dahil na rin sa ating pagpupursige na malagpasan kung anuman ang ating balakin sa ating buhay. Hindi natin alam at ‘di tayo sigurado sa mga bagay na ating pinag-aalinlangan. Marahil nakadarama tayo ng kawalang kasiguraduhan sa ating mga ginagawa dahil hindi natin pinagbubuti ang ating mga ginagawa.

            Tayo ang gumagawa ng sarili nating patutunguhan, natututo tayo na mag-isa at humakbang para sa sarili nating kapakanan. Walang Gawain at bagay na sadyang itinakda para sa atin. Kailangan nating kumilos para magkaroon ng katuparan ang ating mga pangarap at kapalaran. Sino bang tao ang nakakaalam ng kanyang kapalaran? Wala…! Walang nakakaalam ng mga pangyayari sa darating na bukas.  Kung gusto nating makadama ng kaginhawaan hindi tayo aasa sa gawain ng iba bagkus ating paghirapan ang mga bagay na gusto nating makamtam. Hindi lalapit sa atin ang mga bagay na ating gugustuhin, sadya itong pinagpapawisan para makadama tayo ng kaginhawaan. Basta’t lagi nating iisipin na walang bagay na sadyang inilaan sa atin ng Panginoon.

            Ang bawat bagay dito sa mundo ay hindi makukuha kung hindi mo pinaghihirapan. Katulad na lamang ng kasaganaan sa buhay. Hindi natin makakamtan kung hindi tayo kikilos. Nagtatrabaho nga tayo kung ang lahat ng ating pinaghihirapan ay nalulustay lagi sa sugal at bisyo na kung anuman ay wala ring magyayari. Isipin na lang natin ang ating mga mahal sa buhay, sa halip na pambili na lamang ng pagkain ng pamilya’y ginagastos sa wala namang kwentang bagay. Ang buhay nga ay parang sugal kailangan mong makipagbuno sa hamon ng kapalaran bago ka makalalasap ng buhay na kaginhawaan. Masinop at masipag lamang ang nagkakamit ng tagumpay dahil ang adhikain nila’y tunay na pinaninindigan sa buhay. Kaya ang lahat ng bagay ay sadyang nakadepende kung anong aksyon ang ating gagawin. Ang kailangan lang ay maniwala tayo sa ating sarili na kaya natin ang mga bagay na sadyang nagpapahirap sa atin. Kaya natin ito kaibigan!
MANIBELA
Sanaysay ni Emmar C. Flojo

Pagsusuri:

*      Pagsusuri ayon sa Bayograpikal na Basa :
Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro ukol sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan. Makikita na ang pagkakabuo ng akdang ito ay tungkol sa nakikita ng akda sa lipunan.

Ito ay naglalaman ng mga pangyayari na nararanasan ng bawat indibidwal kung ang mga pahayag sa akda ay inisa-isa para mabalikan ang nakaraan sa kaniyang buhay.

*      Teoryang Naturalismo:
Masasabi natin na ang paglalarawan na ginamit ng may akda ay pawing katutuhanan lamang sapagkat itoy naglalahad ng mga isyung dapat malaman ng isang indibidwal. Karaniwan lamang ang pagsasalaysay sa akdang ito, mayroon anyo ng salita na pinasidhi para mabigyan diin ang pagpapalinaw ng mga impormasyon.

*      Teoryang Dekonstruksiyon:
Kung makikita natin ang akdang ito ay naglalarawan ng pinaghalu-halong pananaw kung saan pinagsama-sama upang mas higit na maging siksik sa pagsasalaysay ng mga pangyayari. Isinaalang-alang din ang mga aspeto ng buhay tungkol sa pangyayari sa mundong ibabaw ng akdang ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento