Sanaysay:
MANIBELA
ni Emmar C. Flojo
ni Emmar C. Flojo
Lahat
tayo ay may patutunguhan kung anuman ang ating adhikain sa buhay. Mapasama man
ito o mapabuti ang ating kinanalagyan ay dulot ito ng ating pakikipagsapalaran
sa buhay. Ang mahalaga sa ating paglalakbay ay may patutunguhan tayo. Natututo
tayo sa pakikipagsapalaran at natututo tayo sa ating mga pagkakamali. Ayaw
naman natin sa mga pagkakamaling iyon ay ating nauulit dahil na rin sa ating
pagpupursige na malagpasan kung anuman ang ating balakin sa ating buhay. Hindi
natin alam at ‘di tayo sigurado sa mga bagay na ating pinag-aalinlangan.
Marahil nakadarama tayo ng kawalang kasiguraduhan sa ating mga ginagawa dahil
hindi natin pinagbubuti ang ating mga ginagawa.
Tayo ang
gumagawa ng sarili nating patutunguhan, natututo tayo na mag-isa at humakbang
para sa sarili nating kapakanan. Walang Gawain at bagay na sadyang itinakda
para sa atin. Kailangan nating kumilos para magkaroon ng katuparan ang ating
mga pangarap at kapalaran. Sino bang tao ang nakakaalam ng kanyang kapalaran?
Wala…! Walang nakakaalam ng mga pangyayari sa darating na bukas. Kung gusto nating makadama ng kaginhawaan
hindi tayo aasa sa gawain ng iba bagkus ating paghirapan ang mga bagay na gusto
nating makamtam. Hindi lalapit sa atin ang mga bagay na ating gugustuhin, sadya
itong pinagpapawisan para makadama tayo ng kaginhawaan. Basta’t lagi nating
iisipin na walang bagay na sadyang inilaan sa atin ng Panginoon.
Ang bawat
bagay dito sa mundo ay hindi makukuha kung hindi mo pinaghihirapan. Katulad na
lamang ng kasaganaan sa buhay. Hindi natin makakamtan kung hindi tayo kikilos.
Nagtatrabaho nga tayo kung ang lahat ng ating pinaghihirapan ay nalulustay lagi
sa sugal at bisyo na kung anuman ay wala ring magyayari. Isipin na lang natin
ang ating mga mahal sa buhay, sa halip na pambili na lamang ng pagkain ng
pamilya’y ginagastos sa wala namang kwentang bagay. Ang buhay nga ay parang
sugal kailangan mong makipagbuno sa hamon ng kapalaran bago ka makalalasap ng
buhay na kaginhawaan. Masinop at masipag lamang ang nagkakamit ng tagumpay
dahil ang adhikain nila’y tunay na pinaninindigan sa buhay. Kaya ang lahat ng
bagay ay sadyang nakadepende kung anong aksyon ang ating gagawin. Ang kailangan
lang ay maniwala tayo sa ating sarili na kaya natin ang mga bagay na sadyang
nagpapahirap sa atin. Kaya natin ito kaibigan!
MANIBELA
Sanaysay ni Emmar C. Flojo
Pagsusuri:
Pagsusuri
ayon sa Bayograpikal na Basa :
Ang sanaysay na ito ay
naglalaman ng mga kuro-kuro ukol sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan.
Makikita na ang pagkakabuo ng akdang ito ay tungkol sa nakikita ng akda sa
lipunan.
Ito ay naglalaman ng mga
pangyayari na nararanasan ng bawat indibidwal kung ang mga pahayag sa akda ay
inisa-isa para mabalikan ang nakaraan sa kaniyang buhay.
Teoryang
Naturalismo:
Masasabi natin na ang
paglalarawan na ginamit ng may akda ay pawing katutuhanan lamang sapagkat itoy
naglalahad ng mga isyung dapat malaman ng isang indibidwal. Karaniwan lamang
ang pagsasalaysay sa akdang ito, mayroon anyo ng salita na pinasidhi para
mabigyan diin ang pagpapalinaw ng mga impormasyon.
Teoryang
Dekonstruksiyon:
Kung makikita natin ang akdang
ito ay naglalarawan ng pinaghalu-halong pananaw kung saan pinagsama-sama upang
mas higit na maging siksik sa pagsasalaysay ng mga pangyayari. Isinaalang-alang
din ang mga aspeto ng buhay tungkol sa pangyayari sa mundong ibabaw ng akdang
ito.